Sunday, April 5, 2009

Mga Kuwento ni Koyang

I met Koyang (Edgar/Egay Avenir) yesterday at 545am.
We rode and played for hours for a wedding gig in Tagaytay.
He borrowed my guitar when his Ibanez jazz guitar couldn't be plugged in.
And the whole day it seemed he only listened and was even in awe
at what my friends and I could do when singing together.
Di yata talaga nagsasabay ang tunay na angas at kayabangan sa musikero.

Finally after some late afternoon coffee by the ridge, on our way home
he talked and said so much that as I was trying to note and absorb something he just said
he would again be saying something important.

So I won't forget I'm writing down what I remember now.

1. on how he started

Noong 11 taon pa lang siya, may binibili yata siya sa may tambayan.
May drayber ng UP Engineering na nalasing tumugtog tuloy ng gitara.
Hindi raw siya makapaniwala sa nakita niyang ginagawa ng kamay noong mama.

Inaraw-araw niyang bisitahin sa machine shop sa UP, pinanonood lang niya.
Tapos ginagaya niya sa bahay.
Noong medyo kaya na niya saka niya pinakita.
Sabi raw sa kaniya, "Ok naman pero kailangan magpahaba ka ng kuko."
"Mula noon hindi na ako naggupit ng kuko."

2. on jazz

Jazz yan yung pop dati.
Jazz parang ang ibig sabihin noon jamming lang.
Jazz hindi yung music.  Mas 'yung intention nila 'yun.
Kung itatanong mo sa mga tumutugtog hindi naman nila tatawaging jazz yung ginagawa nila.
Term 'yon ng mga nasa power o sa industriya para i-label yung nangyayari.
Laging nagbabago ang jazz (mula ragtime, swing, bop, cool jazz, fusion) pero 'yun pa rin ang tawag.  Parang nanganganak pero 'yun pa rin ang apelyido.
'Yung mga anak nagsasabing ayoko 'yung music ni tatay (kaya nagkakaroon ng bagong jazz).
Halimbawa 'yung cool jazz kapag nagyelo na...

3. on playing

Kapag may humihingi sa akin ng advice sinasabi ko
"Gusto mo ba 'yung ginagawa mo?  
Kung oo, hindi ka madidismaya na (kakaibang landas ang tinahak mo.)"

Minsan makikita ko parang sumusunod lang sa agos 'yung batang tumutugtog.
Sinasabi ko: "Isipin mo kung kailan mo pa gusto 'yang ganyang music.
Alalahanin mo kung ano 'yung pinakikinggan/nagugustuhan mo noong bata ka,
iyon ang pupuno sa void sa pagkamusikero mo."

"Huwag ka munang magsosolo.
Tugtugin mo muna 'yung melody na para bang ikaw 'yung kumakanta.
'Yung boses ng gitara 'yun 'yung boses mo.
Tapos kapag 'yung gitara mo katunog mo nang magsalita, saka ka magsolo."

Kapag malungkot ka blues ang lalabas na salita.
Minsan habang nagsasalita, nag-aalangan ka.
Doon bagay 'yung parang nadadapa (ang kamay mo sa gitara).

4.    on good songs

Bumalik ka sa standards.  Mga Cole Porter, George Gershwin.
A good melody, compact lyrics...
Dati hindi puwedeng kahit sino lang gumawa ng kanta.

5. on the direction jazz should take

Hindi ka pa puwedeng gumawa ng bagong porma ng jazz
kasi pinatatanggap mo pa sa mga tao 'yung dati.

Kailangan maging tanggap muna ang jazz
katulad ng Bossa Nova at Take 5.

Dahil maganda 'yung melody
hindi nahahalata 'yung jazz chord progression.
Gusto mong kantahin/tugtugin kahit kakaiba 'yung chords.

6. on musical trends

Masyado nang mabilis ngayon ang pagkalat ng impomasyon.
Hindi pa lumalabas 'yung album nasa internet na.

Hindi nagkakaroon ng pagkakataon na bumabad ang mga kanta/musika sa mga tao
bago ito sumikat.  Kaya wala na tayong mga taong malakas ang staying power
katulad nila Michael Jackson, Madonna...

7. on wanting to be a non-pro musician

May iba nagkikita-kita lang sila tuwing weekend, parang book club
May pagkain, tugtugan , magpapanood ng bagong video, kanya-kanyang sorpresa.

Marami diyang magagaling nasa garahe lang.
Katulad noong nagturo sa akin.



I'm glad I could remember even this much.
But I'm tired of writing.
After I save this I'm grabbing my guitar (seconds away)
and saying whatever it is I want to say.

"There's a saying old says that love is blind
still I'm often told seek and you shall find."

Salamat po Koyang.
Pasensya kung mali ang mga natandaan ko sa sinabi n'yo.
Sayang di ko po napapirmahan 'yung guitar strap ko.
Next time.

No comments: